Nakikita ng Youtube Star na si Boss Toyo na hindi pa para sa kanya ang pumasok sa politika.
Ang pagtakbo sa isang posisyon sa politika ay nangangailangan din aniya ng malaking dedikasyon at tapang lalo na kung para sa kapakanan ng mamamayan.
Hindi lang aniya ito idaan kung sikat ka o hindi.
Sinabi nya ito bilang tugon sa tanong kung bakit siya umatras sa pagtakbo sa nalalapit na midterm election.
Sa isang press conference ay sinabi ni Boss Toyo na inalok sya bilang ikalawang nominee ng Pinoy ako party list at kandidato bilang konsehal sa district one ng Maynila.