News

Walang kinalaman si Dennis Sytin sa pagpatay sa kanyang kapatid na si Dominic Sytin – Edgardo Luib

“I made a grave mistake, and I can no longer carry the burden of my false declaration,” Edgardo Luib said. “Mr. Dennis Sytin is not responsible for his brother’s death. I hope this is my way of showing repentance.”

Published on

Ito ang naging pahayag ng bilanggong si Edgardo Luib, na siyang nahuling gunman sa pagpatay kay Dominic Sytin noong 2018. Matatandaan na itinurong mastermind ni Luib si Dennis Sytin sa pagpatay sa kanyang kapatid, kasabwat ang isang nagngangalang Oliver Fuentes, aka Ryan Rementilla.

Ngunit sa pamamagitan ng isang notaryadong pahayag, sinabi ni Luib na walang kinalaman si Dennis Sytin sa pagpatay sa kanyang kapatid. Nakokonsenya na umano si Luib sa kanyang pagkakadawit kay Dennis at nais na nyang itama ang pagkakamaling ito. Katulong ang kanyang asawa, gumawa ng salaysay si Luib at ito ay pinanotaryo upang mapatibay ang kanyang salaysay at idinidiin nyang walang kinalaman sa anomang pagpaplano at utos ng pagpatay si Dennis sa kanyang kapatid na si Dominic Sytin.

“I made a grave mistake, and I can no longer carry the burden of my false declaration,” Luib said. “Mr. Dennis Sytin is not responsible for his brother’s death. I hope this is my way of showing repentance.”

Source: EuroTVPH

Matatandaan din na sa isinagawang imbestigasyon ng NBI, sinabi nito na negatibo sa anomang partisipasyon sa nasabing krimen si Dennis Sytin.

“After answering all their questions, the NBI found Dennis Sytin negative for any participation or involvement in the killing of his brother and even specifically found that he had no specific reaction indicative of deception to questions asked relative to the investigation on the death of his brother Dominic Sytin.”

Sa mga pangyayaring ito, malinaw na pilit lamang idinadawit si Dennis sa kasong ito ngunit walang matibay na ebidensya na nagtuturo sa direktang partisipasyon nya sa krimen na ito, ayon pa mismo ito sa NBI.

“I am being used as a scapegoat while those who are truly responsible for the crime are free and seemingly no longer the subject of investigation — this despite the statement of PNP Chief [Oscar] Albayalde that he still ‘does not consider the case closed,” saad ni Dennis Sytin.

“Therefore, the charge against me that I masterminded his death is a great injustice to me, my wife and children and to my slain brother Dominic and our mother,” Dagdag pa niya.

Sa pagbawing ito ng nahuling gunman, at sa pagsasabi nyang nagkamali sya ng pagdawit kay Dennis sa krimen na ito, dapat lamang na maimbestigahang mabuti ang kasong ito. Kung mali ang naunang testimonya ni Luib na naging dahilan ng pagsasampa ng kaso kay Dennis Sytin, dapat agad na kumilos ang mga kinauukulan upang maitama ang pagkakamaling ito. Ang pangyayaring ito ay dapat matutukan ng mga kinauukulan at maisip nila na kung malinaw na walang matibay na ebidensya at pawang gawa gawa lamang ang pagdawit kay Dennis sa krimen ito, dapat naman na ibasura na ang kasong isinampa laban sa kanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

two × four =

Exit mobile version