• News
  • Politics
  • Entertainment
  • Sports
  • Technology

Bulong-Bulungan

News

OFWs, kasamang makikinabang sa wage hikes ng Taiwan at Hong Kong

“We thank Taiwan’s Ministry of Labor and the Hong Kong Special Administrative Region Labor Department respectively for enacting wage legislation that recognizes the work of our OFWs and their contribution to the economic development of their host countries,”

By

Ibong Tiririt

Published on

December 27, 2023
Bulong-bulungan na malaking bagay ang pag-taas ng minimum wage sa Taiwan at Hong Kong para sa marami nating kababayang pilipino na nakikipag sapalaran sa nasabing bansa.

Inihayag ng Department of Migrant Workers (DMW) nitong Miyerkules na kasama ang mga overseas Filipino worker (OFWs), sa mga makikinabang sa minimum wage increases na ipatutupad ng Taiwan at Hong Kong.

Sa pahayag, sinabi ng DMW na iniutos ng Taiwan Ministry of Labor (MOL) ang 4.05% increase sa monthly minimum salary na mula NT$26,400 (P46,378.70) ay magiging NT$27,470 (P48,223.43), na epektibo sa Enero 1, 2024.

“We thank Taiwan’s Ministry of Labor and the Hong Kong Special Administrative Region Labor Department respectively for enacting wage legislation that recognizes the work of our OFWs and their contribution to the economic development of their host countries,” ayon kay  DMW officer-in-charge Hans Leo Cacdac.

Samantala, sinabi ng DMW na ang mga OFW na nagtatrabaho bilang foreign domestic helpers (FDH) o household service workers (HSWs) sa Hong Kong ay makikinabang naman sa wage hike na ipinatupad ng Labor Department ng Hong Kong.

Mula sa dating HK$4,730 o P36,917.65 na minimum allowable wage (MAW), tataas ito ng HK$140, at magiging HK$4,870 o katumbas ng P38,010.35.

Dinagdagan din ng HK Labor Department ang allowable food allowance ng FDHs sa HK$1,236 o P9,649.98 mula sa dating rate na HK$1,196 o P9,334.78.

Batay sa datos ng Migrant Workers Office sa Hongkong (MWO-HK), sinabi ng DMW na hanggang nitong August 2023, mayroong 196,364 OFWs na nagtatrabahong HSWs o FDHs sa Hong Kong.

“MWO-HK estimates some 40,000 HSWs representing new hires and those with renewed contracts will directly benefit from the new wage legislation,” ayon sa kagawaran.

Ibong Tiririt
See Full Bio
Related Topics:Filipino, Hong Kong, Minimum wage, OFW, Taiwan

  • News

    Walang kinalaman si Dennis Sytin sa pagpatay sa kanyang kapatid na si Dominic Sytin – Edgardo Luib

  • News

    ‘Minsan amoy gas, amoy burak’: Customers patuloy ang reklamo sa PrimeWater

  • News

    Barangay health worker dedo sa kuryente, 1 pang babae lunod sa ilog sa Bulacan

  • Entertainment

    Liza Soberano confirms breakup with Enrique Gil after nearly three years

  • Politics

    Dennis Sytin: I’m not behind my own brother’s murder

  • Entertainment

    Claudine Co deactivates YouTube channel, Instagram over backlash

Copyright © 2022 Bulong-Bulungan

Exit mobile version