Politics

PRRD will endorse BBM-Sara tandem?

President Rodrigo Duterte is “indirectly endorsing” former Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. for president, the chief executive’s adviser on political affairs Jacinto Paras said Wednesday.

Published on

Matunog ang bulong-bulungan na ang tambalang BBM-Sara ang i-eendorso ni Pangulong Duterte. Maaring dumalo daw si PRRD sa huling miting de avance ng Uniteam sa May 7 sa Paranaque City.

Wala pang direktang ini-endorso si Pangulong Duterte. Matatandaan na sinabihan pa noon ni PRRD na “weak” si BBM at hind kayang mamuno ng bansa, pero madami ang nagsasabi na ito daw ay isa lang taktika at paraan ng Pangulo upang hindi magrelax ang Uniteam at patuloy na magsumikap sa pangangampanya. Wala daw ibang ie-endorso ang pangulo maliban kay BBM dahil ito ay subok na nya at talagang sila ay may ugnayan noon pa man.

Bulong pa ng mga nakapaligid sa pangulo, iba daw ang sinasabi nito patungkol kay BBM at ang mga sinasabi nito sa media ay isa lamang taktika. Matatandaang lantaran din sinabi ng pangulo na hindi kayang hawakan at pangunahan ni Leni ang bansa sapagkat ito ay wala talagang kasanayan sa pagpapatakbo ng gobyerno.

Si Bongbong, simple living lang siya – Pangulong Duterte

Kaabang-abang ang huling miting de avance ng Uniteam sa darataing na Mayo 7. Inaabangan na ang pagdalo ng Pangulo at kung saka-sakali ay dito na direktang ie-endorso ng pangulo si BBM bilang kanyang susuportahan para sa pagkapangulo kasama ang anak nito na si Sara Duterte. Ito na kaya ang inaabangan ng lahat kung saan maaring makitang itaas na ni pangulong duterte ang kamay ng susunod na pangulo? Ating abangan kung ang bulong-bulungan ay may katotohanan.

Exit mobile version