Politics

Plano ng gobyerno ni Marcos Jr. para sa bansa inaabangan sa kanyang unang SONA

Para sa kababayan na si Roberto Rivera na founding president ng Filipino Canadian Community sa siyudad ng Sault Ste. Marie mahalaga na masuri at gawan ng aksyon ng gobyerno ni Marcos Jr. ang pasan-pasan na tila mababang pasahod sa mga manggagawa at presyo ng mga pagkain.

Published on

Bulong bulungan ngayon ang ilalatag plano ng Pangulo ng Pilipinas na si Ferdinand Marcos Jr. kung paano babaybayin ang hamon lalo na sa ekonomiya ng bansa sa ilalim ng kanyang panunungkulan. Naglabas naman ng kanyang saloobin ang lider ng isang Filipino community sa Ontario sa ilan sa mga bagay na kanyang inaasahan na tututukan ng bagong administrasyon.

Para sa kababayan na si Roberto Rivera na founding president ng Filipino Canadian Community sa siyudad ng Sault Ste. Marie mahalaga na masuri at gawan ng aksyon ng gobyerno ni Marcos Jr. ang pasan-pasan na tila mababang pasahod sa mga manggagawa at presyo ng mga pagkain.

Sa datos ng 2021 Census mula sa Statistics Canada, ang siyudad ng Sault Ste. Marie ay may higit 72,000 na populasyon. Pumapangatlo ang lugar sa malalaking siyudad sa Northern Ontario, kasunod ng Sudbury at Thunder Bay na parehong may higit sa tig-sandaang libo na populasyon.

Wala pang opisyal na bilang ang inilabas mula sa 2021 Census kung ilan ang migranteng Pilipino na naninirahan sa Sault Ste. Marie. Pero dumadami na rin aniya ang mga kababayan na nakatira rito. Marami sa bagong dating ay mga international students tuwing panahon na magbubukas ang klase, ani Rivera.

Pahiwatig ni Marcos Jr. na isang polisiya ang kanyang isusulong na babago sa suporta sa agrikultura. Ang departamento sa agrikultura ay kasalukuyan na personal niyang pamumunuan. Ang patakarang pangkalakalan ng competitive advantage ay nagsasabi: na pagdating sa food sufficiency, ang isang bansa ay hindi dapat magprodyus kundi mag-import ng kung ano ang mas naibibigay at ibinebenta ng ibang mga bansa sa pinakamura [na halaga]. Pagkatapos dumating ang [digmaan]sa Ukraine. Ang pinakamahina pagdating sa pagkain ay ang mga bansang pinakamalayo sa labanan; ang mga hindi mo masisisi na nag-udyok para mangyari ito. Ngunit nahaharap sila sa pinakamalaking panganib ng gutom, aniya sa talumpati.

Ipinasilip ni Pang. Marcos Jr. sa kanyang inagurasyon ang mga prayoridad niyang gagawin. Pero ang plano at malinaw na direksyon na ikukumpas sa kanyang bagong gobyerno ay ilalahad pa lang sa kanyang unang State of the Nation Address ngayong buwan.

Kung tataasan ba ni Pang. Marcos Jr. ang sahod ng mga nurses? Hindi siya ang unang pangulo na nangako ng pagbabago. “Ang ating mga nars ang pinakamahuhusay sa buong mundo. Pinatunayan nila ang kanilang mga sarili, sa pinakamataas na pagkilala [na nakuha]sa ibang bansa, na kahit pa nagdusa na may pinakamarami sa nasawi. At sa parehong huwarang dedikasyon dito sa ating bayan ay nakakalimutan sila. Naroon sila hindi dahil hindi natin kayang pagbayaran ang parehong panganib at trabaho na mayroon tayo rito. May mga pagbabago simula bukas,” banggit ni Marcos Jr. sa talumpati.

Nakatakdang humarap sa bayan si Pang. Marcos Jr. para sa kanyang unang State of the Nation Address sa Batasang Pambansa Complex sa Hulyo 25.

Exit mobile version