ITINALA ni national high jumper Leonard Grospe ang kanyang personal best na 2.16 metro para iuwi ang medalyang pilak sa ikalawang araw ng ginaganap na Thailand Open Track and Field Championship 2022 sa National Athletics Center sa Pathumthani, Bangkok, Thailand.
Ang sukat ay tumabon sa dati nitong personal best na 2.15 metro na itinala nito ngayong 2022 weekly relays at isang sentimetrong kulang para mabura ang national record na 2.17 metro na itinala noong 2005 ng sarili nitong coach na si Sean Guevarra sa National Open.
Nalampasan ni Grospe sa ikatlo nitong talon ang 2.16 metro sa high jump sa hapon na mga event upang sandigan nito sa pagwawagi ng pilak at patatagin ang kanyang tsansa na makapagkuwaliika sa pinag-aagawang silya para sa sport na athletics sa 32nd SEA Games na gaganapin sa Phnom Phen, Cambodia.
Kapwa natalon ni Leonard at kalaban mula Chinese Taipei ang 2.16 metro at hindi nakaabot sa 2.18m. Gayunman, nakuha ng Chinese Taipei ang ginto laban kay Leonard dahil sa dami ng tangka.
Ang 2022 SEA Games gold medalist na so Kobsit Sitthichai ng Thailand ay natalon lamang ang 2.13 meters upang uwi ang tanso.
Si Grospe ay tubong Dilasag, Aurora ngunit ngayon ay nagsasanay at naninirahan sa Tarlac City at isang estudyante ng Mapua University. (Lito Oredo)