News

Paghahanap sa mga sabungero na itinapon sa Taal Lake, magiging pahirapan — PCG

Hindi magiging madali ang paghahanap sa mga nawawalang sabungero na umano’y itinapon sa Lawa ng Taal.

Published on

Hindi magiging madali ang paghahanap sa mga nawawalang sabungero na umano’y itinapon sa Lawa ng Taal.

Ayon kay PCG Spokesperson Capt. Noemie Cayabyab, maraming hamong haharapin ang technical divers nila para maisagawa ang paghahanap.

Kabilang dito ang lalim ng Taal Lake na 170 meters kumpara sa 100 metro na pinakamalalim na nasisid ng mga diver ng Coast Guard.

Kasama rin dito ang kalidad (linaw o labo) ng tubig, lagay ng panahon na makakaapekto sa alon at ang aktibidad ng bulkan.

Dagdag pa aniya rito ang tagal na panahong nasa tubig ang mga sinasabing itinapon na maaaring wala na sa eksaktong lugar kung saan umano ito itinapon.

Sinabi ni Capt. Cayabyab na makikipag-ugnayan sila sa Philippine Navy para makatulong sa pagsisid kung sakaling gagawin ito.

Paglilinaw naman ng tagapagsalita ng PCG na hanggang ngayon ay wala pa namang opisyal na hiling ang DOJ para magsagawa ng pag-dive sa Taal Lake.

Sa impormasyon ng PCG, mayroon silang 60 technical divers na maaaring makapagsagawa ng malalimang pagsisid. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Ibong Tiririt

Exit mobile version