Entertainment

GMA news anchor na si Mike Enriquez pumanaw sa edad na 71-anyos

Namaalam na ang beteranong Kapuso news anchor at mamamahayag na si Mike Enriquez matapos mamatay sa edad na 71-anyos.

Published on

Bulong bulungan ang isang napaka lungkot na balita sa mundo ng paghahayag sa pag panaw ng isa sa mga premiyadong News Anchor sa bansa.

Namaalam na ang beteranong Kapuso news anchor at mamamahayag na si Mike Enriquez matapos mamatay sa edad na 71-anyos.

Ang balita ay kinumpirma ngayong Martes sa dulo ng broadcast ng “24 Oras.” Yumao siya ngayong araw, ika-29 ng Agosto.

Ngayong hapon lang nang mag-Instagram reel ng kandilang may itim na background ang kapwa niya Kapuso news anchor na si Arnold Clavio.

“Si Mike po ay halos dalawang dekada nating nakasama gabi-gabi dito sa ’24 oras.’ Mahigit 20 taon din siyang naging host ng public affairs program na imbestigador.”

Ngayong hapon lang nang mag-Instagram reel ng kandilang may itim na background ang kapwa niya Kapuso news anchor na si Arnold Clavio.

Pareho-parehong nagpakita ng pagdadalamhati, panalangin at kalungkutan ang mga kapwa nila reporter sa GMA na sina Nelson Canlas, Oscar Oida, Connie Sison at Julius Segovia sa post kahit na wala pang pinapangalanan.

Disyembre 2021 lang nang humingi ng panalangin si Mike matapos mag-medical leave. Marso 2022 naman nang magbalik siya sa mga programa matapos ang  matagumpay niyang kidney operation.

Nakilala nang husto sa GMA-7 si Enriquez dahil sa Kapuso newscasts atbp. palatuntunan sa radyo gaya ng “Saksi,” “24 Oras,” “I-Witness” at “Imbestigador.”

Exit mobile version