Nasakote ng pulisya ang 21 taong gulang na lalaking construction worker matapos umano niyang gahasain nang paulit-ulit ang isang menor de edad sa Quezon City.
Ayon sa mga ulat, tinatayang nasa tatlong counts ng statutory rape ang saad ng isinilibing arrest warrant laban sa suspek matapos niya umanong gahasain ang biktima nang tatlong beses at saka ito nabuntis.
Batay sa imbestigasyon, unang nangyari ang krimen noong Enero 2024 noong kaarawan ng suspek kung saan niya unang inimbitahan ang biktima at saka hinalay.
Matapos ang unang insidente, nasundan pa raw ito nang pabalikin muli siya ng suspek dahil umano sa isang regalo. Habang sa ikatlong beses na panghahalay umano ng suspek sa biktima nang tuluyan niya na itong nabuntis. Doon lamang daw nalaman ng pamilya ng biktima ang sinapit nito mula sa suspek bago tuluyang nasampahan ng kaso.
Samantala, napag-alamang nasa ikaapat na most wanted persons list ang suspek sa Quezon City Police District at nasa unang listahan naman sa La Loma Police Station.