Politics

Bongbong Marcos, nanumpa na bilang ika-17 pangulo ng Pilipinas

The inauguration of Bongbong Marcos as the 17th president of the Philippines took place around noon (PHT) on Thursday, June 30, 2022, at the National Museum of Fine Arts.

Published on

Nanumpa na bilang ika-17 pangulo ng Pilipinas ang 64-anyos na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa ginanap na nakaraang halalan nitong Mayo, ang nakababatang Marcos ang unang pangulo ng bansa na nahalal na may “majority vote” mula noong 1986 EDSA Revolution dahil sa mahigit 31 milyon na boto na nakuha niya o 58% ng mga boto.

Si Senate President Vicente Sotto III ang nagbasa ng proclamation sa pagkapanalo ni Marcos sa halalan nitong Huwebes. Matapos nito, inilagay ni Marcos ang kaniyang kamay sa Bibliya at binasa ang panunumpa sa harap ni Chief Justice  Alexander Gesmundo.

“We’ve been through times of bitter division but united we came through to this when we shall begin again. But better,” sabi ni Marcos sa kaniyang inaugural address.

“I’ve listened to you and this is what I have heard. We all want peace in our land. You and your children want a chance at a better hope in a safer and more prosperous country,” patuloy niya.

“All that is within reach of a hard-working, warm and giving race. Your dreams are mine. Ang pangarap n’yo ay pangarap ko,” sabi pa ng bagong pangulo.

Bago naging pangulo, nagsilbi si Marcos bilang senador mula 2010 hanggang 2016. Naging kongresista rin siya ng Ilocos Norte mula 1992-1995 at 2007-2010.

Naging gobernador ng Ilocos Norte  mula 1983-1986 at 1998-2007, at vice governor ng lalawigan noong 1981-1983.

Kabiyak ni Marcos sa buhay si Attorney Louise “Liza” Araneta-Marcos, at mayroon silang tatlong anak na sina Ferdinand “Sandro” Alexander III (kongresista ngayon sa Ilocos Norte), Joseph Simon at William Vincent.

Samantala, magiging bahagi ng administrasyon ni Marcos ang mga sumusunod na opisyal:

• Victor Rodriguez – Executive Secretary
• Benjamin Diokno – Department of Finance
• Arsenio Balisacan – National Economic and Development Authority
• Jesus Crispin Remulla – Department of Justice
• Emmanuel Bonoan – Department of Public Works and Highways
• Sara Duterte – Department of Education
• Bienvenido Laguesma – Department of Labor and Employment
• Susan Ople – Department of Migrant Workers
• Alfredo Pascual – Department of Trade and Industry
• Erwin Tulfo – Department of Social Welfare and Development
• Christina Garcia-Frasco – Department of Tourism
• Ivan John Enrile Uy – Department of Information and Communications Technology
• Benhur Abalos – Department of the Interior and Local Government
• Jaime Bautista – Department of Transportation
• Amenah Pangandaman – Department of Budget and Management
• Conrado Estrella III – Department of Agrarian Reform
• Jose Faustino Jr. – Department of National Defense
• Clarita Carlos – National Security Adviser
• Juan Ponce Enrile – Presidential Legal Counsel
• Menardo Guevarra – Office of the Solicitor General
• Felipe Medalla – Bangko Sentral ng Pilipinas
• Anton Lagdameo – Special Assistant to the President
• Maria Zenaida Angping – Presidential Management Staff
• Trixie Cruz-Angeles – Presidential Communications Operations Office

Inanunsyo ni Cruz-Angeles nitong Miyerkules na si dating Solicitor General Jose Calida ang maging chairperson ng Commission on Audit. Habang si Jose Arnulfo “Wick” Veloso naman ang magiging presidente ng Government Service Insurance System.

Exit mobile version