Politics

Bongbong Marcos and Sara Duterte – Iendorso na nga ba ng INC?

Iglesia ni Cristo has yet to release an official announcement on who to endorse in the Presidential elections. The official website has not posted any political endorsement.Marcos Jr’s spokesman and chief of staff Atty. Vic Rodriguez denied that the endorsement has been made.

Published on

Totoo kaya ang bulong-bulungan na sina Bongbong Marcos at Sara Duterte na nga ba ang i-eendorso ng Iglesia Ni Cristo? Madaming naglalabasang bulong galing sa mga insider ng isa sa pinakamalaking relihiyon sa Pilipinas. Halos isang linggo na lang at madami ang nag-aabang kung sino sino nga ba ang iboboto ng mga Iglesia Ni Cristo mula pagka-presidente, bise-presidente at mga senador.

Nitong nakaraang mga araw, naging bulong-bulungan din na baka sina Leni Robredo at Kiko Pangilinan ang i-eendorso ng Iglesia Ni Cristo dahil biglang nag backout sa pagtakbong senador itong si Rodante Marcoleta, inisip tulyo ng iba na baka pinaatras na si Marcoleta, kilalang kaanib ng INC, dahil sa iba ang pagkakaisahang iboto ng kanilang relihiyon at hindi ang tambalang Bongbong at Sara. Ngunit nakitang umatend pa din ng mga rally itong si Marcoleta na isa sa mga ipinagbabawal ng kanilang relihiyon, pero kung siya ay pinayagan na dumalo sa rally ng uniteam, ibig sabihin, kahit siya ay umatras na, ay ang tambalang Bongbong at Sara pa din talaga ang i-eendorso ng Iglesia Ni Cristo.

Kaabang-abang ang mga susunod na araw kung sino sa mga tumatakbong pulitiko, mula pangulo, pangalawang pangulo at mga senador ang mapipiling i-endorso ng Iglesia Ni Cristo.

Aming tatanggapin at igagalang ang anomang maging pasya ng pamamahala ng Iglesia Ni Cristo at mga kapatid natin sa Iglesi Ni Cristo na kanilang iboboto sa darating na halalan – Uniteam

Ayon sa mga bulong-bulungan, ay maaring sa unang araw ng susunod na linggo ay i-aannounce na ang mga mapipiling i-eendorso ng Iglesia Ni Cristo. Alam naman ng lahat na hindi man ganun kadami ang miyembro ng Iglesia Ni Cristo, ngunit ito ay nagkakaisa sa kanilang ibinoboto kaya’t kung sinoman ang mga mapipili ay may garantisadong solidong boto na mahigit din sa 3 milyon mula sa grupo ng Iglesia Ni Cristo. Kaya’s ang lahat ay naka-antabay sa mga darating na araw sa pagpapalabas ng mga mapipiling iboboto ng relihiyon na ito.

Exit mobile version