News

Bagsik ng Bagyong Paeng: 42 namatay sa pagbaha, mga landslide sa katimugang Pilipinas

Ang dami ng tubig ulan na bumuhos magdamag ay hindi pangkaraniwan [ang lakas] at dumaloy sa gilid ng mga bundok at pinalaki ang mga ilog, sinabi ni Sinarimbo sa The Associated Press sa pamamagitan ng telepono.

Published on

Bulong-bulungan ngayon ang pinsalang idinulot ng Bagyong Paeng, Napaka daming pamilya ang naapektuhan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa. Umulan naman ng tulong para sa mga kababayan nating nasalanta ng nasabing bagyo.

Ang mga flash flood at landslide na bunga ng malakas na ulan ay binaha ang isang probinsya sa katimugang bahagi ng Pilipinas, na kumitil sa buhay ng 42 na tao, 16 ang nawawala at na-trap din ang mga residente sa kanilang mga bubong, sabi ng mga opisyal ngayong Biyernes.

Karamihan sa mga biktima ay naanod ng rumaragasang tubig-baha at nalunod o tinamaan ng mudslides na puno ng debris sa tatlong bayan ng Maguindanao province, ani Naguib Sinarimbo, ang interior minister para sa Muslim autonomous region na binubuo ng limang probinsya na dating pinatakbo ng mga gerilya.

Ang dami ng tubig ulan na bumuhos magdamag ay hindi pangkaraniwan [ang lakas]at dumaloy sa gilid ng mga bundok at pinalaki ang mga ilog, sinabi ni Sinarimbo sa The Associated Press sa pamamagitan ng telepono.

Umaasa ako na ang casualty numbers ay hindi tataas pero may mga kaunting komunidad pa rin na hindi natin naaabot, ani Sinarimbo, dagdag pa niya ang ulan ay humina na noong Biyernes ng umaga, kaya ang baha ay nagsimula nang humupa sa ilang bayan.

Sinabi ni Sinarimbo na batay sa mga report mula sa mga alkalde, gobernador at disaster-response officials, 27 ang namatay dahil sa pagkalunod at landslides sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, 10 sa bayan ng Datu Blah Sinsuat at lima sa bayan ng Upi, lahat sa Maguindanao.

Marami sa mga binahang lugar ang hindi pa binabaha sa loob ng maraming taon, katulad ng Cotabato city kung saan sinabi ni Sinarimbo na tinamaan din ang kanyang bahay.

Sa isang lugar sa Upi ‘yung attic lang ng eskuwelahan ang nakita sa ibabaw ng baha, sinabi ni disaster-response officer Nasrullah Imam, patungkol sa bayan na nilamon ng baha sa Maguindanao.

Dose-dosenang probinsya at siyudad ang nasa ilalim ng storm alerts kasama ang kapitolyo, ang Maynila. Ang fishing at cargo boats at inter-island ferries ay pinagbawalan na maglayag, kung kaya’t na-stranded ang libo-libong pasahero, sabi ng coast guard.

Humigit-kumulang 5,000 na tao ang nailikas palayo sa bagyo, na hindi inaasahan na lalakas pa habang papalapit sa lupa, sinabi ng government forecasters at iba pang opisyal.

Isang artikulo ng The Associated Press na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Exit mobile version