Bulong-Bulungan
  • News
  • Politics
  • Entertainment
  • Sports
  • Technology
Connect with us
    Bulong-Bulungan

    Bulong-Bulungan

    • News
    • Politics
    • Entertainment
    • Sports
    • Technology

    OFWs, kasamang makikinabang sa wage hikes ng Taiwan at Hong Kong

    • Share
    • Tweet
    • PH, hihingi ng tulong sa kaibigang bansa para sa pagpapalaya ng 9 na Pinoy crew na hawak ng Houthis

    News

    OFWs, kasamang makikinabang sa wage hikes ng Taiwan at Hong Kong

    “We thank Taiwan’s Ministry of Labor and the Hong Kong Special Administrative Region Labor Department respectively for enacting wage legislation that recognizes the work of our OFWs and their contribution to the economic development of their host countries,”

    By

    Ibong Tiririt

    Published on December 27, 2023
    • Share
    • Tweet
    Bulong-bulungan na malaking bagay ang pag-taas ng minimum wage sa Taiwan at Hong Kong para sa marami nating kababayang pilipino na nakikipag sapalaran sa nasabing bansa.

    Inihayag ng Department of Migrant Workers (DMW) nitong Miyerkules na kasama ang mga overseas Filipino worker (OFWs), sa mga makikinabang sa minimum wage increases na ipatutupad ng Taiwan at Hong Kong.

    Sa pahayag, sinabi ng DMW na iniutos ng Taiwan Ministry of Labor (MOL) ang 4.05% increase sa monthly minimum salary na mula NT$26,400 (P46,378.70) ay magiging NT$27,470 (P48,223.43), na epektibo sa Enero 1, 2024.

    “We thank Taiwan’s Ministry of Labor and the Hong Kong Special Administrative Region Labor Department respectively for enacting wage legislation that recognizes the work of our OFWs and their contribution to the economic development of their host countries,” ayon kay  DMW officer-in-charge Hans Leo Cacdac.

    Samantala, sinabi ng DMW na ang mga OFW na nagtatrabaho bilang foreign domestic helpers (FDH) o household service workers (HSWs) sa Hong Kong ay makikinabang naman sa wage hike na ipinatupad ng Labor Department ng Hong Kong.

    Mula sa dating HK$4,730 o P36,917.65 na minimum allowable wage (MAW), tataas ito ng HK$140, at magiging HK$4,870 o katumbas ng P38,010.35.

    Dinagdagan din ng HK Labor Department ang allowable food allowance ng FDHs sa HK$1,236 o P9,649.98 mula sa dating rate na HK$1,196 o P9,334.78.

    Batay sa datos ng Migrant Workers Office sa Hongkong (MWO-HK), sinabi ng DMW na hanggang nitong August 2023, mayroong 196,364 OFWs na nagtatrabahong HSWs o FDHs sa Hong Kong.

    “MWO-HK estimates some 40,000 HSWs representing new hires and those with renewed contracts will directly benefit from the new wage legislation,” ayon sa kagawaran.

    author avatar
    Ibong Tiririt
    See Full Bio
    Continue Reading
    You may also like...
    • PH, hihingi ng tulong sa kaibigang bansa para sa pagpapalaya ng 9 na Pinoy crew na hawak ng Houthis
    Related Topics:Filipino, Hong Kong, Minimum wage, OFW, Taiwan
    Ibong Tiririt

    More in News

    • News

      Penalidad sa mga contractors nga konektado sa kurapsyon, dapat nga pasakaan suno sa abogado

      By Ibong TiriritAugust 29, 2025

      Ginapangabay sang abogado nga kuntani ma-amyendahan ang layi nga nagahatag sang penalidad sa mga contractors nga...

    • Entertainment

      Claudine Co deactivates YouTube channel, Instagram over backlash

      By Ibong TiriritAugust 27, 2025

      Claudine Co, a singer and lifestyle vlogger, has deactivated her YouTube and Instagram accounts after drawing...

    • News

      Cavite traffic enforcer stuck on car’s hood; driver tries to flee

      By Ibong TiriritAugust 22, 2025

      Nanganib ang buhay ng isang traffic enforcer sa Kawit, Cavite, dahil sa tangkang pagtakas ng isang...

    • News

      PAG-IBIG Fund investment income up 52% to P4.27B

      By Ibong TiriritAugust 20, 2025

      The Pag-IBIG Fund announced Tuesday that its investment income grew 52% in the first half of...

    • News

      3-anyos kinidnap ng kasambahay, nasagip

      By Ibong TiriritAugust 13, 2025

      Nailigtas ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang 3-anyos na batang babae...

    ‘Pinas, maaaring magkaroon ng 2 o 3 bagyo sa Setyembre – PAGASA
    Pagbibigay ng amnestiya sa rebelde at insurgents groups aprubado na sa Senado

    Recent Posts

    • Penalidad sa mga contractors nga konektado sa kurapsyon, dapat nga pasakaan suno sa abogado
    • Claudine Co deactivates YouTube channel, Instagram over backlash
    • Alex Eala Becomes First Filipina to Win a Grand Slam Match
    • Cavite traffic enforcer stuck on car’s hood; driver tries to flee
    • PAG-IBIG Fund investment income up 52% to P4.27B

    Categories

    • Business
    • Entertainment
    • News
    • Politics
    • Sports
    • Stories
    • Technology
      • News
      • Politics
      • Entertainment
      • Sports
      • Technology

      Copyright © 2022 Bulong-Bulungan

      To Top
      Go to mobile version