News

’17-year high’: Utang ng Pilipinas 63.7% na ng ekonomiya ng bansa

Lumobo sa 63.7% ang debt-to-gross domestic product (GDP) ratio ng Pilipinas sa ikatlong kwarto ng 2022 — ang pinakamataas sa loob ng 17 taon — pagpapakita ng pinakabagong datos ng Bureau of Treasury.

Published on

Bulong bulungan ang mabilis na pag-taas ng utang na Pilipinas sa pag-upo ng bagong Presidente na si Ferdinand Marcos Jr.

MANILA, Philippines — Lumobo sa 63.7% ang debt-to-gross domestic product (GDP) ratio ng Pilipinas sa ikatlong kwarto ng 2022 — ang pinakamataas sa loob ng 17 taon — pagpapakita ng pinakabagong datos ng Bureau of Treasury.

Huling mas mataas ang debt-to-GDP ratio noong pumalo ito sa 65.7% sa ilalim ni dating Pangulong Gloria Arroyo noong 2005. Matatandaang naitala ito sa 62.1% noong second quarter.

Ayon kay ING Bank senior economist Nicholas Mapa, maaaring maganda pa rin ang GDP performance ng Pilipinas sa fourth quarter. Sa kabila nito, maaaring hindi raw kayaning maabot ang target ng gobyerno na 61.8% debt-to-GDP ratio.

“I don’t think we’ll be able to hit it, but as long as we demonstrate a commitment to lower and make some headway in fiscal consolidation we can still hope to avoid a downgrade,” sabi niya sa panayam ng The STAR.

Ayon sa “international acceptable threshold,” hindi dapat lumampas ang debt-to-GDP ratio sa 60%.

Ang mababang debt-to-GDP ratio ay nangangahulugang kayang mabayaran ng isang bansa ang mga utang nito sa pamamagitan ng mga nililikha’t ibinebentang goods and services nang hindi nagkakaroon ng panibagong utang.

Ani Mapa, dapat magpokus ang gobyerno sa revenue generation kahit na hindi pa nakakapagbalangkas ng matitinding buwis na maaaring makatulong sa pagpapaki ng resources.

Sa kabila nito, sinabi naman ni Rizal Commercial Banking Corp. chief economist Michael Ricafort na hindi pa magandang oras ito para sa mas mataas na mga buwis lalo na’t maaari raw itong makadagdag sa inflationary preassures.

“But once inflation stabilizes, there is a need to push for more tax reform measures, or at the very least intensified tax collections,” ani Ricafort.

Exit mobile version