Connect with us

Zubiri, pinag-iisipan na raw ang pagreretiro sa politika

Politics

Zubiri, pinag-iisipan na raw ang pagreretiro sa politika

Ibinahagi ni Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri na pinag-iisipan na niya ang pagreretiro sa politika.

Ibinahagi ni Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri na pinag-iisipan na niya ang pagreretiro sa politika.

Sinabi ito ni Zubiri matapos niyang ianunsyo na hindi siya tatakbo sa kahit anong posisyon sa 2028 kahit pa naging pang-apat siya sa mga nangunguna sa survey ng Pulse Asia para sa vice presidential bets.

Ayon sa senate president, nag-iisip na siyang tapusin ang halos 30 taon niya sa mundo ng politika.

“To dispel any rumors that may arise, I would like to make it clear that I will not be running for any public office [in]2028. I am, in fact, contemplating on my retirement from almost 30 years of politics,” saad ni Zubiri.

Matatandaang noong Hulyo 25, 2022 nang italaga si Zubiri bilang pangulo ng Senado.

Bago ang kaniyang karera sa Senado, naging congressman siya ng ikatlong distrito ng Bukidnon mula 1998 hanggang 2007.

Continue Reading
You may also like...

More in Politics

To Top