News
University of the Philippines, kinondena pagpaslang sa kanilang estudyante
Naglabas ng pahayag ang University of the Philippines (UP) System Administration kaugnay sa trahedyang sinapit ng isa sa kanilang mga estudyante

Naglabas ng pahayag ang University of the Philippines (UP) System Administration kaugnay sa trahedyang sinapit ng isa sa kanilang mga estudyante sa Tagum City, Davao del Norte.
Sa latest Facebook post ng UP nitong Biyernes, Hulyo 11, mariin nilang kinondena ang walang saysay na pagpaslang sa biktima na kinilalang si Sophia Coquilla, estudyante sa UP-Diliman.
“The University of the Philippines strongly condemns the senseless killing of UP Diliman student Sophia Coquilla, who was murdered in her home in Tagum City on 9 July 2025,” saad ng UP.
Dagdag pa nila, “The entire UP community mourns with Sophia’s family and friends. Such a violent act cut short a life full of promise, and robbed the nation of a bright mind and future leader. We grieve over the loss of a daughter, classmate, friend, and Iskolar ng Bayan.” Kaya naman nanawagan ang administrasyon ng unibersidad sa mga awtoridad na magsagawa ng komprehensibong imbestigasyon sa krimeng nangyari kay Sophia.
Anila, “No family should have to endure the anguish of unanswered questions, and no criminal act should remain unpunished.”
Ayon sa mga ulat, hindi bababa sa 20 saksak ang tinamo ng biktima nang matagpuan siya ng kaniyang mga magulang.
Hinala ng mga awtoridad, pagnanakaw ang motibo sa likod ng krimen. Napag-alamang kabilang sa mga nawawalang gamit ni Sophia ay kaniyang cell phone, laptop at relo.
Sa kasalukuyan, hawak na ng pulisya ang tatlo sa apat na suspek sa karumal-dumal na pananaksak Dalawa sa kanila ay menor de edad, isang 14-anyos at 17 taong gulang na mga binatilyo.

