Connect with us

PBBM tiniyak sa mga magsasaka, walang pagbaba ng buying price ng palay

Business

PBBM tiniyak sa mga magsasaka, walang pagbaba ng buying price ng palay

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga magsasaka na hindi babawasan ng National Food Authority (NFA) ang buying price ng palay habang nagpapatuloy ang P20 per kilogram rice program ng gobyerno.

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga magsasaka na hindi babawasan ng National Food Authority (NFA) ang buying price ng palay habang nagpapatuloy ang P20 per kilogram rice program ng gobyerno.

Pagtugon sa mga alalahanin sa isinagawang dayalogo para sa Gawad Saka awardees ngayong taon sa Nueva Ecija, sinabi ni Pangulo na mananatiling top priority ng kanyang administrasyon ang kinikita ng mga magsasaka.

“Kahit anong presyo ang pagbenta natin ng bigas sa palengke, hindi magbabago ang buying price ng palay ng NFA. Hindi namin ibababa ang buying price,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

Winika ng Pangulo na mananatili ang kasalukuyang price range ng palay na P19 hanggang P23/kg para sa dry palay at P18/kg para sa wet palay.

“Hindi na ‘yan bababa dyan,” aniya pa rin.

Ang pagtupad sa campaign promise ni Pangulong Marcos, P20/kg rice program ay available para sa vulnerable sector, kabilang na ang low-income families, senior citizens, solo parents, at persons with disabilities.

Idagdag pa sa palay procurement, sinabi ni Pangulong Marcos na palalawigin ng gobyerno ang suporta nito para sakupin ang pangunahing farming inputs.

Sinabi pa ng Pangulong Marcos na sasagutin ng Department of Agriculture (DA) ang malaking bulto ng pagbili ng mahahalagang suplay gaya ng pataba at pesticides para makatulong na maibaba ang production costs.

Tinukoy din ni Pangulong Marcos ang nagpapatuloy na rollout ng mobile soil laboratories na makatutulong sa mga magsasaka na i-apply ang tamang klase o dami ng pataba, karagdagang pagbabawas ng gastos at paghusayin ang ani.

Idinagdag pa ng Pangulo na ipagpapatuloy ng NFA ang ‘core mandate’ nito na bumili ng bigas at mais mula sa local producers sa patas na presyo.

Samantala, sinabi ni Pangulong Marcos na titiyakin naman ng gobyerno na ang ‘purchasing price at farming inputs’ ay sapat upang mapakain ng mga magsasaka ang kanilang pamilya at pag-aralin sa eskuwelahan ang kanilang mga anak.

author avatar
Ibong Tiririt
Continue Reading
You may also like...

More in Business

To Top