Pinagtibay ng Senado ang tatlong resolusyon na pumapabor sa pagbibigay ng amnestiya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa iba’t ibang rebelde at rebeldeng grupo sa bansa tatlong buwan matapos ang paglagda sa presidential proclamations.
Aniya, ang mga hakbang na ito ay magtataguyod ng pagpapagaling at pagkakaisa sa lipunan, at magbibigay ng pagkakataon upang wakasan ang panloob na armadong tunggalian at paghihimagsik, na nagdulot na sa bansa ng napakalaking halaga ng mga nawawalang oportunidad sa ekonomiya at buhay ng hindi mabilang na mga Pilipino.
Hindi bababa sa 2,000 dating miyembro ng separatist group na Moro National Liberation Front (MNLF), 1,200 mula sa Rebolusyonaryong Partido ng Manggagawa ng Pilipinas/Revolutionary Proletarian Army/Alex Boncayao Brigade (RPMP-RPA-ABB), at 400 Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang mga surrenderees ay inaasahang makakatanggap ng amnestiya.
Kasamang pinagtibay sa sesyon sa plenaryobang House Concurrent Resolutions No. 19, 21, at 22 na sumasang-ayon sa Presidential Proclamations 403, 405, at 406 – ang amnestiya na ibinigay sa mga rebelde mula sa RPMP-RPA-ABB, MILF, at MNLF ayon sa pagkakasunod-sunod.
Nagpahayag ng pasasalamat si Estrada sa liderato ng Senado sa pagbibigay-prayoridad sa mga mahahalagang hakbang na ito sa gitna ng napakagipit na legislative agenda.
Kasama sa mga krimeng ito, ngunit hindi limitado ang paghihimagsik o pag-aalsa, sedition, illegal assembly, direct and indirect assault, resistance and disobedience to a person in authority, at illegal possession of firearms, ammunition, or explosives.
“It is important to note that these crimes or offenses must have been committed in furtherance of, incident to, or in connection with the crimes of rebellion or insurrection, among others,” ayon sa senador.