Connect with us

Jericho Rosales, umaming jowa na si Janine sa lamay ni Pilita

Entertainment

Jericho Rosales, umaming jowa na si Janine sa lamay ni Pilita

Kinumpirma ng Kapamilya star na si Jericho Rosales na next level na ang dating status nila ng kapwa Kapamilya star na si Janine Gutierrez.

Kinumpirma ng Kapamilya star na si Jericho Rosales na next level na ang dating status nila ng kapwa Kapamilya star na si Janine Gutierrez.

Sa lamay ng lola ni Janine na si Asia’s Queen of Songs Pilita Corrales noong Huwebes ng gabi, Abril 17, opisyal nang nagpakilala si Echo bilang “boyfriend ni Janine.”

Kumalat ang video ng isang netizen na nagngangalang “Ecy Rapadas” kung saan mapapanood si Jericho na nagbibigay ng tribute speech para kay Pilita. Si Monching Gutierrez, na tatay ni Janine, ay anak ni Pilita.

Maririnig na litanya ni Jericho Rosales, umaming jowa na si Janine sa lamay ni Pilita, “I’m here because I’m supporting an amazing family. It’s the first family, large, huge family, na sobrang tight-knit. If you want a definition of a family, this is the family. And I’ve been so honored to just, you know, I’ve been spending time with them because I’m Janine’s boyfriend…”

Nabanggit ni Echo na may Alzheimer’s disease ang kaniyang ina, at ang paboritong kinakanta ay mga awitin ni Pilita. Kapag naman nakikita raw ng nanay niya si Janine ay nag-iiyakan ang dalawa, dahil kamukhang-kamukha ng aktres ang kaniyang lola.

Pagkatapos ng speech ni Echo ay nag-alay na siya ng kanta para sa lahat. Nagkakilala sina Jericho at Janine matapos nilang magkasama sa teleseryeng “Lavender Fields.”

 

author avatar
Ibong Tiririt
Continue Reading
You may also like...
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

15 − 14 =

More in Entertainment

To Top