Connect with us

Pinoy nasungkit ang gintong medalya sa 2022 World Poomsae Taekwondo Championships sa South KoreaSports Drinks: Mabuti o Masama?

Sports

Pinoy nasungkit ang gintong medalya sa 2022 World Poomsae Taekwondo Championships sa South KoreaSports Drinks: Mabuti o Masama?

GOYANG, SOUTH KOREA – Nasungkit ng top Filipino jin na si Ernesto “Bhuboy” Guzman, Jr., 40 anyos ang gintong medalya sa nakaraang 2022 World Poomsae Taekwondo Championships na ginanap sa South Korea noong April 21 hanggang 24, 2022.

GOYANG, SOUTH KOREA – Nasungkit ng top Filipino jin na si Ernesto “Bhuboy” Guzman, Jr., 40 anyos ang gintong medalya sa nakaraang 2022 World Poomsae Taekwondo Championships na ginanap sa South Korea noong April 21 hanggang 24, 2022.

“Dumaan po ako sa mahigit dalawang buwang ensayo, walong (8) oras kada araw. Napakahirap ng kompetisyong ito dahil ito ang pinakamataas na level ng kompetisyon at nilalahukan lamang ng mga mahuhusay na player sa kanya-kanyang bansa.

Sa unang araw pa lamang ng aking paghahanda ay hindi sumagi sa kaisipan ko na hindi makuha ang ginto. Sabi ko sa sarili ko kung mapaghandaan ko ng mabuti sa ensayo ang competition ay pipitasin ko ng madali ang gintong medalya po, dahil nasa tamang pag-eensayo ang ikapapanalo sa laro,”kwento ni Guzman sa TFC News.

Bago pa man sumalang si Guzman sa face-to-face competition sa Goyang para sa2022 World Poomsae Taekwondo Championships, dumaan muna siya sa 2022 World Online Poomsae competition kung saan nakuha naman niya ang silver medal. Ito ang nagsilbing susi niya para mag-ensayo at baguhin ang mga taktika ng kanyang mga galaw sa taekwondo poomsae.

“Mahalaga din ang panalo sa online dahil dito ay makikita mo ang lakas at kahinaan mo sa poomsae na pwede mong ayusin pagkatapos ng competition mo…

Ito ang nagsilbing daan kung bakit napanalunan ko ang ginto sa world championships dahil sa online poomsae ay nakita ko sa video ang mga strong point and weak point ng mga nakalaro ko at doon ay nag-adjust ako at inensayo ko yung mga dapat kong ensayuhin para sa paghahanda sa world championship sa Goyang.

Simula 2010 hanggang ngayon, labingdalawang (12) taon ng miyembro ng national team ng Philippine Taekwondo Association o PTA si Guzman. Dalawampu’t anim (26) na taon na siyang kasapi ng PTA.

At ang gintong medalyang natanggap niya ngayong taon sa kategoryang male under 50 ay ika-anim na titulong nakuha niya bilang world champion sa larangan ng taekwondo. Sa simula pa lamang ng kanyang matinding ensayo para sa kompetisyon, ninais na ni Guzman na makuha ang gintong medalya sa kabila ng mga bigating kalaban niya mula sa 64 bansa sa iba-ibang panig ng mundo kabilang ang Japan, Singapore, USA, Vietnam at iba pa.

Bukod kay Guzman na natatanging Pilipinong nakakopo ng gintong medalya sa2022 World Poomsae Taekwondo Championships, may anim (6) pang Pilipinong nagwagi sa kompetisyon kabilang sina:

KOBE MACARIO – SILVER – FREESTYLE PAIR OVER 17

JUVENILE CRISOSTOMO – SILVER – FREESTYLE PAIR OVER 17

IAN CORTON – SILVER – PAIR UNDER 17

NICOLE LABAYNE – SILVER – PAIR UNDER 17

RODOLFO REYES, JR. – BRONZE – MALE UNDER 30

DARIUS VENERABLE – BRONZE – FREESTYLE MALE OVER 17

May mensahe si Guzman sa mga kapwa niyang atletang Pilipino kung paano magtatagumpay sagitna ng mabigat na kompetisyon sa larangan ng taekwondo at iba pang physical sports:

“Ang mensahe ko sa mga atletang kagaya ko na nangangarap din maging world champion ay tuloy lang sa pangangarap at sabayan ng hard work at disiplina sa sarili dahil yan ang pinakaimportante. Wag mawalan ng pag-asa, patuloy na manalig sa Panginoon. Manalig sa kakayanan. Sabi nga: habang may buhay, may pag asa…pero dapat din talagang sabayan ng pagtatiyaga dahil hindi madali ang pagdadaanan sa training pero kung may pangarap ka, wag kang mawalan ng pag asa. Sabi nga ‘Nasa tao ang gawa, nasa Diyos ang awa.’”

Continue Reading
You may also like...

More in Sports

To Top