Bulong-bulungan ngayon na ang driver ng SUV na nanagasa ng isang traffic enforcer sa Mandaluyong ay may mataas daw na kapit sa gobyerno? Kaya hindi pa ito lumulutang ay sa kadahilanan na inaayos pa daw ang magiging lusot nito sa tulong ng mga “kaibigan” sa gobyerno.
Matatandaan na kinokondena ng netizens ang driver ng white Toyota RAV4 SUV na nakabangga sa isang traffic enforcer sa intersection ng Doña Julia Vargas Avenue at St. Francis Avenue sa Mandaluyong City ngayong Linggo, June 5, 2022.
Nakunan ng dash cam ng sasakyang nakahinto sa trapiko ang buong pangyayari, at kitang kita sa video na imbes na tulungan, ginulungan pa ng SUV ang nasagasaang traffic enforcer at tuluyan ng tumakas.
Ang vlogger at TV host na si James Deakin ang isa sa libu-libong Pilipino na kumondena sa ginawa ng driver ng RAV4 sa kaawa-awang traffic enforcer.
“How heartless can you be???” caption at tanong ni Deakin sa video na inilagay niya sa kanyang Instagram account.
Galit din ang naging reaksiyon ng mga nakapanood ng video gaya nina Derek Ramsay, Senator-elect JV Ejercito, at iba pang mga personalities.
“This person should be put behind bars,” reaksiyon ni Derek.
Samantala, naglabas na ang Land Transportation Office-National Capital Region (LTO-NCR) ng show cause order laban sa SUV driver na bumangga at ginulungan pa ang isang traffic enforcer sa Mandaluyong City.
Abangan natin kung sino ba ang nasa likod ng manibela ng SUV na ito at bakit ganun kalakas ang loob nya para gawin ang ganitong klaseng krimen?