Connect with us

Dennis Sytin: I’m not behind my own brother’s murder

Dennis Sytin on brothers murder case

Politics

Dennis Sytin: I’m not behind my own brother’s murder

BUSINESSMAN Dennis Sytin has denied before the Department of Justice (DOJ) allegations that he masterminded the killing of his businessman-brother Dominic Sytin at the Subic Bay Freeport on November 8, 2018.

Tapos na ang eleksyon, balikan na natin ang mga mahahalagang kaganapan na pansamantalang nalimutan dahil sa init ng pulitika sa ating bansa. Isa sa gusto natin balikan ay ang kaso ng pagpatay kay Dominic Sytin, isang negosyante sa olongapo, at ang itinuturong mastermind ay ang kapatid umano nito na si Dennis Sytin.

Pero ayon sa kumakalat na bulong-bulungan, hindi daw talaga involve itong si Dennis Sytin sa pagkakapatay sa kanyang kapatid lalo na’t sumalang ito sa masusing imbestigasyon ng NBI at sinabi ng NBI na negatibo ito sa anomang partisipasyon sa nasabing krimen:

“After answering all their questions, the NBI found Dennis Sytin negative for any participation or involvement in the killing of his brother and even specifically found that he had no specific reaction indicative of deception to questions asked relative to the investigation on the death of his brother Dominic Sytin.”

Bagama’t sa ibang mga naglalabasang balita, mariing itinuturo ng gunman na si Edgardo Luib na ang nag utos sa kanya at sina Dennis at isang nagngangalang Oliver Fuentes, aka Ryan Rementilla. Ngunit ito ay mariing pinabulaanan ni Dennis Sytin at sinabing siya ay idinidiin lamang sa kasong ito.

“I am being used as a scapegoat while those who are truly responsible for the crime are free and seemingly no longer the subject of investigation — this despite the statement of PNP Chief [Oscar] Albayalde that he still ‘does not consider the case closed,” saad ni Dennis.

“Therefore, the charge against me that I masterminded his death is a great injustice to me, my wife and children and to my slain brother Dominic and our mother,” Dagdag pa niya.

My full cooperation in the investigation and favorable polygraph test results are proof positive that I do not have a guilty conscience and that I am with my whole family in seeking justice for the death of my brother Dominic – Dennis Sytin

Dennis Sytin on brothers killing

Naglabas na noon ang Olongapo City Regional Trial Court Branch 72 ng arrest warrant sa mga suspek sa pagpatay kay Dominic Lim Sytin.

Lumabas sa desisyon ni Presiding Judge Richard Paradeza, na dapat arestuhin ang mismong kapatid ng biktima na si Alan Dennis Sytin at si Ryan Rementilla.

Sinabi naman ni Justice Secretary Guevarra na hihilingin ng mga prosecutor ang paglipat ng kaso sa Maynila mula Olongapo “for the safety and security of the witnesses principally, and to avoid any pressure upon the court and the prosecution, given the sphere of influence of the contending parties and the intense public interest generated by this sensational case”.

Kaagad namang pumalag si Dennis Sytin sa desisyon at sinabing agad ding maghahain ng petition for review sa Department of Justice.

“I will immediately file a petition for review with the office of the Secretary of Justice to reverse the DOJ’s wrong and baseless resolution. I am determined to immediately set aside the false and baseless charges against me as it is my right and the right of the clearly innocent to be free from the trouble, expense, and anxiety of a protracted trial,” ani Dennis.

Sa mga naglalabasang mga balita at matutunog na bulong-bulungan patungkol sa kasong ito, maari nga kayang may nang iipit lamang kay Dennis para maituro na siyang mastermind sa pagpatay na ito sa kanyang kapatid? Madami kasi ang nagsasabing hindi ang katulad ni Dennis ang gagawa ng ganitong krimen lalo na’t sa kanya pang kapatid.

Continue Reading
You may also like...

More in Politics

To Top