Connect with us

Celebrities who lost in 2025 elections concede defeat

Entertainment

Celebrities who lost in 2025 elections concede defeat

Isang araw makalipas ang May 12, 2025 elections ay lumabas na ang resulta ng mga nagsipagwagi sa iba’t ibang posisyon.

Isang araw makalipas ang May 12, 2025 elections ay lumabas na ang resulta ng mga nagsipagwagi sa iba’t ibang posisyon.

Sa tala ng Comelec ngayong Martes, May 13, nasa 97 percent na ng kabuuang bilang ng mga boto ang kanilang nakukuha mula sa iba’t ibang polling precincts sa bansa. Ang total tally na lang sa senador ang kanilang kinukumpleto, pero pagdating sa provincial and local government units ay halos natapos na ang bilangan.

Gabi pa lamang ng May 12 ay may ilang kandidato na ang ipinroklama sa kani-kanilang probinsiya at munisipalidad, kabilang na rito ang ilang tumakbong celebrities. Sa kabila ng pagbubunyi ng mga nanalo ay mayroon ding celebrities ang malugod na tinanggap ang kanilang pagkatalo sa naganap na halalan.

Si Marco ay tumakbong congressman sa ika-apat na distrito ng Camarines Sur. Tinalo siya ni incumbent Representative Arnie Fuentebella. Ngayong Martes, May 13, nag-post si Marco sa kanyang social media account upang magpasalamat sa lahat ng sumuporta at ipahayag na maluwag niyang tinatanggap ang pagkatalo.

Buong post ni Marco (published as is): “Maraming, maraming salamat po.

“Sa bawat nakipagkamay, nakipagkwentuhan, at nagbukas ng puso’t tahanan sa amin nitong nakaraang mga buwan—taos-puso po ang aking pasasalamat.

“Hindi man ito ang resulta na aming hinangad, alam kong ibinigay natin ang lahat, at buong puso tayong lumaban.

“Sa lahat ng bumoto, sumuporta, tumulong, at naniwala—salamat po sa pagtanggap sa amin, sa inyong tiwala, at sa pagmamahal na ipinakita ninyo sa bawat sulok ng Partido.

“Isang malaking tagumpay na kayo ay aming nakilala. Ang dami kong natutunan at nadama, at hinding-hindi ko po makakalimutan ang bawat kwento at pangarap na ibinahagi ninyo sa akin.

“At para sa lahat ng tumulong at naging bahagi ng laban na ito—hindi ito ang katapusan. Nandito lang ako. Hindi ko kayo iiwanan.

“Ang serbisyo at malasakit, hindi lang nasusukat sa puwesto. Magkikita pa rin tayo, at magtutulungan pa rin tayo—dahil ang tunay na laban ay para sa inyo.

“Maraming salamat, Partido.”

Buong puso ring tinanggap ng aktor at Oriental Mindoro vice-governor na si Ejay Falcon ang pagkatalo bilang kongresista sa pangalawang distrito ng kanilang lalawigan.

Dinaig si EJ ng kanyang nakalaban na si PA Umali.

Mababasa sa kanyang post: “Nagdesisyon na po ang Oriental Mindoreños, hindi man po pumabor sa inyong lingkod ang naging resulta pero masaya po ako na ibinigay po natin ang lahat ng ating makakaya para ipakita ang malinis nating intensyon na malingkod sa ating lalawigan.

“Iginagalang po natin at mapagkumbabang tinatanggap po ang desisyon na ito ng mamamayan.

“Umasa po kayo na hindi po natatapos ang serbisyo ni Ejay Falcon bilang lingkod bayan. Babalik po tayo bilang pribadong mamamayan pero andun pa rin ang ating pagtulong para sa interes ng ating mamamayan.

author avatar
Ibong Tiririt
Continue Reading
You may also like...
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

12 − one =

More in Entertainment

To Top