Connect with us

Babae biglang lumabas sa drainage sa Makati, nagtatakbo: Sadako Girl?!

News

Babae biglang lumabas sa drainage sa Makati, nagtatakbo: Sadako Girl?!

Parang eksena sa isang horror movie ang paglabas ng isang babae o sadako mula sa isang drainage sa Legazpi Village, Makati City.

Parang eksena sa isang horror movie ang paglabas ng isang babae o sadako mula sa isang drainage sa Legazpi Village, Makati City.

Ikinagulantang ng mga motorista at ilang residente sa pagitan ng Rufino at Adelantado Street sa Legazpi Village, and biglang paglabas ng naturang babae mula sa isang kanal.

Sa ulat ng “24 Oras” base sa ipinost na mga larawan ng RoughMasterpiecei via Reddit, talagang ikina-shock ng mga dumadaang motorista ang paglabas ng ulo ng babae sa nasabing drainage.

Nang tuluyan na itong makalabas mula sa kanal ay bigla na lamang itong nagtatakbo palayo sa lugar dahil hinabol na siya ng security personnel sa lugar. Wala pang tinukoy sa report kung ano ang ginagawa ng naturang babae sa drainage. Hindi pa rin alam ng mga nag-imbestigang otoridad kung paano at kailan nakapasok sa kanal ang babae.

Sabi pa sa ulat, inalam agad ng mga rumespondeng security staff sa lugar kung ano ang posibleng hinanap o tiniktikan ng babae sa loob ng drainage. Wala naman daw nakitang anumang mahalagang bagay o importanteng gamit na nakita sa imburnal na maaaring balikan pa ng babae.

Kasunod nito, nilagyan na ng steel railing ang drainage para wala nang sinumang makalusot at makalabas dito.

Narito naman ang ilang comments ng netizens sa nangyaring insidente na tila isang eksena nga raw sa isang katatakutang pelikula.“Sadako sa kanal?”

“Dapat imbestigahan bka kidnap victim or something related sa mga ganyan pero nakatakas lang.”

“So scary naman, paano nalang bgla lumabas yan sa gabi? Hehehe”

“Baka may problema yan sa pag iisip, hindi yan dapat tinatawanan”

“May tinakasan na lugar tas kanal ang daanan tas yan yung labasan na pwede lang lusutan.”

“Sino ba naman hindi matatakot kay ateh, yung bigla na lang siyang lilitaw.”

“Huwag natin pagtawanan, baka may problema sa pag-iisip.”

“Malaki kasi ang drainage sa ilalim. Lalo na yun manhole na binababaan ng mga Maynilad puede ka tumira sa loob at puede lagyan kumpletong gamit. May hagdan. Sinilip ko talaga ng may ginagawa sila. Maliit na manhole pero akala mo basement sa loob.”

author avatar
Ibong Tiririt
Continue Reading
You may also like...
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

7 + fourteen =

More in News

To Top