Connect with us

Barangay health worker dedo sa kuryente, 1 pang babae lunod sa ilog sa Bulacan

News

Barangay health worker dedo sa kuryente, 1 pang babae lunod sa ilog sa Bulacan

Patay ang isang 49-anyos na babaeng barangay health worker matapos umanong makuryente habang tumutulong sa mga residenteng apektado ng baha

Patay ang isang 49-anyos na babaeng barangay health worker matapos umanong makuryente habang tumutulong sa mga residenteng apektado ng baha sa lungsod ng Meycauayan. Ang nasawing biktima ay si Cristina Padora na kilala sa komunidad ng Brgy. Bayugo sa alyas na “Tinay”.

Ayon sa report nitong Martes, aksidenteng nakuryente ang biktima sa isang live wire na nalubog sa tubig-baha habang ginagampanan ang tungkulin.

Agad naman isinugod ang biktima sa ospital para sa paunang lunas subalit binawian na siya ng buhay.

Samantala, isang bangkay ng hindi kilalang babae ang natagpuan sa ilog ng Brgy. Taliptip, Bulakan bandang alas-12:30 ng tanghali. Ayon sa report, isang bangkero na bumabaybay sa ilog patungong Taliptip Fishport ang nabulaga nang makita ang palutang-lutang na bangkay ng isang babae. Dahil dito, ipinagbigay alam niya sa kanilang barangay ang nakita na agad namang nakipag-ugnayan sa mga awtoridad para sa kaukulang imbestigasyon at mai-proseso ang bangkay na naiahon sa pantalan.

Bumuhos ang pakikiramay ng mga residente sa lugar at pinuri ang huwarang lingkod bayan na buong tapang na nag­lingkod sa kanyang mga kababayan sa gitna ng sakuna.

author avatar
Ibong Tiririt

More in News

To Top