Connect with us

‘Minsan amoy gas, amoy burak’: Customers patuloy ang reklamo sa PrimeWater

News

‘Minsan amoy gas, amoy burak’: Customers patuloy ang reklamo sa PrimeWater

Patuloy na pumapasok ang mga reklamo ng ilang kustomer ng PrimeWater dahil sa kawalan ng tubig sa kanilang lugar.

Patuloy na pumapasok ang mga reklamo ng ilang kustomer ng PrimeWater dahil sa kawalan ng tubig sa kanilang lugar.

Ayon kay Geraldine Villanueva, residente ng Tanza, Cavite, mas lalo pang pumangit ang serbisyo ng PrimeWater dahil wala ng tubig sa kanilang kabahayan.

“Mas worst pa po. Usually, last year, ang tubig bukod sa wala, minsan nawawala tapos bumabalik mabaho, maitim. This June medyo worst po talaga kasi, as in pahirap sa amin. Hindi lang sa amin, sa pamilya ko, sa buong subdivision, may mga nangyari po na hatinggabi po wala pong natulo…Kinabukasan, as in wala,” aniya.

“Mas worst ngayon compared sa last year. As in, walang-wala na tumutulo.” Ayon kay Villanueva, napabili na siya ng 3 drum na sisidlan ng tubig at isa pang lalagyan na kayang mag-imbak hanggang 150 liters ng tubig para sa mga panahon na may kaunting tubig na lumalabas sa gripo. 

“Sobrang sikip na sa bahay dahil mas priority namin ang tubig,” aniya.

“Lumaki ‘yung bill ko kahit walang tubig…Wala silang feedback sa email,” dagdag niya.

Sabi naman ni Roderica del Rosario, residente ng San Jose del Monte, Bulacan, lalo pang lumala ang serbisyo ng PrimeWater.

“Dati kami lang gitna ang nawawalan, ngayon buong area na po sa Pagasa Street po. Minsan ang baho, minsan amoy gas, amoy burak ‘yung lumalabas sa gripo namin,” aniya. Dagdag niya, may balita siyang magrarasyon na ng tubig ang PrimeWater sa kanilang lugar. Nanawagan din siya sa PrimeWater na ayusin na ang serbisyo nito dahil patuloy naman itong naniningil sa mga kustomer kahit walang tubig.

“Nananawagan ako sa Pangulo na aksyunan ang problema namin sa tubig.”

author avatar
Ibong Tiririt
Continue Reading

More in News

To Top