Connect with us

Mga Pilipino bumoto sa araw ng halalan sa isang hating demokrasya

Politics

Mga Pilipino bumoto sa araw ng halalan sa isang hating demokrasya

Ang dalawang nangunguna ay anak ng napatalsik na diktador na si Marcos at ang kampeon ng karapatang pantao

Bulong bulungan sa buong Pilipinas ang nangyaring botohan para sa bagong itatalagang Presidente ng Pilipinas sa susunod na anim na taon.

Tumayo sa mahabang pila ang mga Pilipino para pumili ng susunod na presidente ngayong Lunes, kung saan ang anak ng isang napatalsik na diktador at ang kampeon ng karapatang pantao ang nangunguna sa isang mahalagang sandali sa nahating Asyanong demokrasya.

Si Ferdinand Marcos Jr., ang anak at kapangalan ng strongman na napaalis sa puwesto noong 1986 People Power na sinuportahan ng militar, ay hawak ang tila hindi malalampasan na lead sa pre-election surveys. Ngunit ang kanyang pinakamalapit na challenger, si Vice-President Leni Robredo, ay nag-tap sa gulat at galit sa prospect na isang Marcos ang muling uupo sa kapangyarihan at ginamit ang isang network ng mga volunteer para suportahan ang kanyang kandidatura.

Karahasan sa ilang mga rehiyon

Libo-libong pulis at militar ang ipinadala para ma-secure ang presinto, lalo na sa mga probinsya na may kasaysayan ng marahas na tunggalian sa pulitika at kung saan ang mga komunista at rebeldeng Muslim ay aktibo. Sa probinsya ng Maguindanao, isang security hotspot sa timog, tatlong village guards ang napatay ng mga armadong kalalakihan sa labas ng elections centre sa bayan ng Buluan, na pansamantalang inantala ang botohan. Siyam na botante at ang kanilang mga kasama ang nasugatan sa hiwalay na insidente Linggo ng gabi nang magpaputok ng limang rifle grenades sa Datu Unsay town hall ang hindi pa nakikilalang mga kalalakihan, ayon sa pulisya.

Ang mananalo sa eleksyon ay uupo sa opisina sa Hunyo 30 para sa isang single, anim na taong termino bilang lider ng timog-silangang Asyanong bansa na matinding tinamaan ng COVID-19 outbreaks at lockdowns.

Sigaw para sa pambansang pagkakaisa

Sa ilalim ng crackdown ni Duterte, ang kapatid na lalaki ni Sanchez, isang kapatid na babae, at hipag ang maling inugnay sa ilegal na droga at pinatay, sinabi niya sa interbyu ng The Associated Press. Inilarawan niya ang pagpatay sa kanyang mga kapatid bilang bangungot na nagdulot ng lubos na sakit.

Nagmakaawa siya sa mga Pilipino na huwag bumoto para sa mga pulitiko na tahasang ipinagtanggol ang malawakang mga pagpatay o ang kanilang pagbabalewala rito.

Iniwasan nina Marcos Jr. at Sara Duterte ang mga isyu na ito sa kampanya at sa halip ay dumikit sa sigaw na pagkaisahin ang bansa, bagama’t ang pagka-pangulo ng kanilang mga ama ang nagbukas sa magulong dibisyon.

Mahigit 67 milyon na tao ang nakarehistro, kasama ang humigit-kumulang 1.6 milyong Pilipino na nasa ibang bansa, ang boboto. Kapag nagsara ang voting centres matapos ang 13 oras na araw, libo-libong counting machines ang agad na ita-transmit ang resulta para mabilang. Noong 2016 na halalan, si Duterte ang malinaw na nagwagi sa loob lamang ng ilang oras at ang kanyang mga pangunahing kalaban ay mabilis na nag-concede. Ang vice-presidential race noong taon na iyon ay napanalunan ni Robredo laban kay Marcos Jr., at ang outcome ay mas mabagal na nalaman.

Isang artikulo ng The Associated Press na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Continue Reading
You may also like...

More in Politics

To Top