Matapos ang ilang taon, ipinag-utos ng Court of Appeals (CA) ang muling pagsasampa ng kasong rape and acts of lasciviousness laban sa actor-dancer-TV host Vhong Navarro na inihain laban sa kaniya ni Deniece Cornejo, matapos itong maibasura ng Department of Justice o DOJ.
Ibinasura ng DOJ ang apela ni Cornejo na muling i-review ang kasong two counts of rape na isinampa niya laban kay Navarro—-na isang sexual intercourse at sexual assault, na naganap daw noong Enero 17 at 2, 2014. Ngunit ayon sa DOJ, walang probable cause upang maparusahan ang TV host sa naturang krimen.
Ayon sa lumabas na desisyon ni Associate Justice Florencio M. Mamauga, Jr., granted ang petisyon na muling maihain ang kaso, at “reversed” at “set aside” ang naging desisyon ng DOJ noong Abril 30, 2018 at Hulyo 14, 2020.
Dumalo si Vhong sa ginanap na bail hearing sa pamamagitan ng video conference dahil nakakulong siya sa detention facility ng National Bureau of Investigation sa Maynila.
Mga kaso ng rape at acts of lasciviousness ang inihain ni Deniece laban kay Vhong dahil sa paratang na inabuso siya ng TV host-comedian sa kanyang condominium unit sa Taguig noong January 17, 2014.
Ngayong unang araw ng Agosto, bumungad na nga sa mga balita ang desisyon ng CA.
Matatandaang nagsimula ang kasong ito noong 2014 matapos paratangan ni Cornejo si Navarro ng attempted rape. Na-involve sa kaso ang kaibigan ni Cornejo na si Cedric Lee at mga kasama nito matapos umanong bugbugin ang comedian-TV host sa condo unit sa BGC, dahil sa mga akusasyon ni Cornejo.
Wala pang tugon o pahayag ang kampo nina Navarro at Cornejo hinggil sa isyu.