Bulong-bulungan na si re-elected Rep. Boying Remulla ang magiging DOJ secretary sa ilalim ng pamunuan ni incoming President Bongbong Marcos.
Sino nga ba si Boying Rumulla? Siya ay isang abogado at naging chief of staff ni former First Lady Luisa Estrada, noong panahon ni Pangulong Joseph Estrada. Siya ay naging spokeperson din ng Puwersa ng Masa bago siya pumalaot sa mundo ng Pulitika bilang isang kongresista.
Kung tatanggapin ni Cong Remulla ang alok bilang maging DOJ Sec, mababakante nito ang kanyang upuan sa kongreso.
Matatandaan na naging kontrobersyal si Remulla dahil sa isa siya sa mga gumisa noon sa ABS-CBN noong sila ay humihingi ng prangkisa.
Si Remulla din ang nagdala kay Marcos sa Cavite kung saan nanalo ang susunod na pangulo.
Hindi pa nagbibigay ng komento si Rep. Rodante Marcoleta na una ng nakalagay sa listahan bilang susunod na justice secretary.