Connect with us

95% ng bagong hiv cases sa bansa, dulot ng pakikipagtalik ng lalaki sa lalaki – DOH

News

95% ng bagong hiv cases sa bansa, dulot ng pakikipagtalik ng lalaki sa lalaki – DOH

Kinikilala ng DOH na ang mabilis na pagtaas ng mga kaso ng HIV sa Pilipinas ay malaki ang ugnayan sa pakikipagtalik ng mga kalalakihan sa kapwa nilang lalaki.

Kinikilala ng DOH na ang mabilis na pagtaas ng mga kaso ng HIV sa Pilipinas ay malaki ang ugnayan sa pakikipagtalik ng mga kalalakihan sa kapwa nilang lalaki.

Batay sa datos ng DOH, humigit-kumulang 95% ng mga bagong kaso ng HIV ay naitala sa mga kalalakihang na may kapwa kalalakihan bilang sexual partners, at hindi mula sa mga babaeng sex worker gaya ng dating inaakala. Sa isang panayam, sinabi ni DOH Secretary Ted Herbosa na “Ang malaking porsyento ng bagong HIV cases ay mula sa men having sex with men. Hindi ito nanggagaling sa sex workers na babae.”

Dagdag pa niya, kung hindi mapipigilan ang pagtaas ng Mga kaso, maaaring umabot sa 400,000 ang bilang ng mga Pinoy na may HIV pagdating ng 2030.

Ayon sa DOH, araw-araw ay may humigit-kumulang 57 bagong kaso na naitatala, na nagpapakita ng 500% pagtaas mula sa mga naunang taon.

Bilang tugon, pinalalakas ng DOH ang mga programa para sa HIV awareness at prevention.

Kabilang dito ang pagpapalaganap ng tamang paggamit ng proteksyon sa pagtatalik tulad ng condom at lubricant, gayundin ang pag-encourage ng paggamit ng Pre-Exposure Prophylaxis (PrEP) — isang gamot na ipinaiinom bago makipagtalik upang mabawasan ang panganib na mahawa ng HIV.

Sinabi pa ni Herbosa na ang Pilipinas ang may pinakamabilis na pagtaas ng kaso ng HIV sa buong mundo, isang situwasyon na tinuturing na “nakakaalarma” ng mga eksperto. “Fifty-seven new cases a day, 500 percent increase ito. Tayo ang pinakamataas sa numero ng new cases of HIV sa buong mundo,” giit niya.

Bagamat may stigma pa rin na nakapalibot sa mga isyu ng HIV at LGBTQ+ community sa bansa, hinihikayat ng DOH ang mas bukas na pag-uusap upang matanggal ang maling impormasyon at mapabuti ang kalusugan ng lahat.

Hindi lamang sa medikal na aspeto dapat pagtuunan ng pansin ang pagtaas ng HIV cases. Kadalasang tinatalakay din ang papel ng lipunan at edukasyon sa pagpigil sa pandemya ng HIV. Sa kabila ng mga kampanya, nananatiling mahina ang comprehensive sexual education sa maraming paaralan sa bansa, partikular sa mga lalawigan kagaya ng Palawan.

Bukod dito, ang stigma sa LGBTQ+ community ay nagiging hadlang sa mga taong may mataas na risk na lumapit sa mga health services para sa testing at treatment. Dahil sa takot na madiskrimina, marami ang natatakot magpatingin, kaya lumalala ang kaso.

Sinusubukan ng ilang NGOs at advocacy groups na punan ang kakulangan sa edukasyon sa pamamagitan ng community outreach, lalo na sa mga kabataan at marginalized groups.

Ang paggamit ng holistic approach, na hindi lang nakatutok sa paggamit ng condom o contraceptives, kundi pati sa mental health, pag-angat ng dignidad, at pagtanggap ng lipunan, ang tinuturing na susi upang mapabagal, at sa huli ay mapigilan ang pagkalat ng HIV sa bansa.

author avatar
Ibong Tiririt
Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

fifteen − ten =

More in News

To Top