Connect with us

7 na panadero patay sa massacre sa Brgy. Cupang, Antipolo City

News

7 na panadero patay sa massacre sa Brgy. Cupang, Antipolo City

Umabot sa pitong lalaking panadero ang natagpuang patay matapos pagsasaksakin habang sila’y mahimbing na natutulog sa loob ng isang panaderya sa Brgy. Cupang, Antipolo City

Umabot sa pitong lalaking panadero ang natagpuang patay matapos pagsasaksakin habang sila’y mahimbing na natutulog sa loob ng isang panaderya sa Brgy. Cupang, Antipolo City, Rizal, kaninang umaga.

Nabatid na bandang alas-8:00 ng umaga nang makatanggap ng tawag ang pulisya mula sa isang barangay tanod tungkol sa pangyayari.

Agad namang nirespondehan ng mga otoridad ang sumbong, kung saan lumabas sa paunang imbestigasyon na ang mga biktima ay pawang empleyado ng isang bakery at naninirahan sa mismong panaderya.

Sinasabing pumasok ang hindi pa nakikilalang mga suspek sa loob ng panaderya dakong alas-6:00 ng umaga at sunod-sunod na pinagsasaksak ang mga biktima habang sila ay nagpapahinga.

Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang mga tauhan ng Antipolo PNP hinggil sa pangyayari.

author avatar
Ibong Tiririt
Continue Reading
You may also like...
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

4 × 5 =

More in News

To Top